Matthew 26:69-70

Ipinagkaila ni Pedro na Kilala Niya si Jesus

(Mar. 14:66-72; Luc. 22:56-62; Juan 18:15-18, 25-27)

69Samantala, habang nakaupo si Pedro sa loob ng bakuran, nilapitan siya ng isang utusang babae ng punong pari at sinabi, “Kasama ka ni Jesus na taga-Galilea, hindi ba?” 70Pero itinanggi ito ni Pedro sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo.”
Copyright information for TglASD